mga kuro-kuro ng may-akda sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid, maging ito man ay pangit o maganda, mabuti o masama, mahirap o madali, masakit o masarap, at kung ano pa mang emosyon, salita, pakiramdam na bunga ng kanyang malikot na pag-iisip.
|
 |
Tuesday, October 17, 2006
i'm moving out.
still wanna read my angsts, joys, rants and nonsensical thoughts?
basahin ang mga bagong kurokuroko.
Posted at 09:18 pm by hiddencreature
Permalink
Sunday, October 15, 2006
putek na blogdrive ito.ano ba problema at nagkakanda-letse-letse ang pag-access sa mga blogs? hindi naa-update iyung mga entries. aarrgh.lapit na ko lumipat. as in.
Posted at 07:07 pm by hiddencreature
Permalink
mine was full of ambivalence.
and i don't want to explain why.
okay, maybe just a little.
went out with a friend (details won't be discussed, sorry) and i went home after.
i was either happy or sad with the gimik, feeling neither good nor bad.
ambivalent.
that's the perfect word to describe how i felt.
hay, Lord. that was a moronic (dunno if there's such a word, but that's how i want to describe this >) experience.
Posted at 04:13 pm by hiddencreature
Permalink
Saturday, October 14, 2006
sa isang kapihan sa morato na nalugi at nagsara, kasama ang ilang mga kasamahan sa trabaho, napag-usapan namin ang tungkol sa relihiyon at pananampalataya. at naalala ko, ito ang sinabi ko noon:
"meron akong faith na mahirap matanggal, na feeling ko kahit anupaman ang mangyari, mananatili siya sa akin."
ngayon, mahigit tatlong taon na ang lumipas, ito na ang tanong ko sa sarili ko: "may pananampalataya pa ba ako?"
ang tagal ng panahon na nagkaroon ako ng relasyon sa Diyos. Makailang beses ko na rin siya itinatwa. Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagsambit ko ng "wala na akong Diyos" sa tuwing hihiritan ako ng mga ka-opisina ko na "Akala ko ba kristiyano ka?"
ngayon, matapos ang mahigit ilang taong pagkabulok, sinusubukan ko ulit na magningas ang apoy ng pananampalataya na dati-rati'y kumukulob sa aking pagkatao.
mahirap ang pagbalik. para akong mag-e-enroll muli sa grade 1 para matutunan ang mga dati ko nang pinag-aralan. kailangan ko rin muling palambutin ang pusong kinalyo na ng kasalanan.
Pinasama ako ng sarili kong katauhan. Normal na sa akin ang magmura, parang almusal na lang sa umaga ang galit at pagsusungit. Anumang oras, pwede akong maging demonyo sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin.
Sa lagay ko ngayon, hindi ko alam kung naniniwala pa ako sa sinabi ko tungkol sa sarili ko tatlong taon na ang nakalipas. Pero isang bagay lang ang alam ko: ang Diyos na tinutukoy ko noon, Siya rin ang nagtutulak sa akin na balikan ko iyung dati naming relasyon. Siya rin ang nagsasabing...
"Anak, tama na ang pagtakbo. sugatan ka na sa dami ng talisod at pagkadapang pinagdaanan mo dahil sa iyong paglayo. Halika na, uwi ka na. Mahal pa rin kita kahit ano pa ang nangyari sa iyo."
Miss ko na rin Siya. Miss ko na rin ang maging mabait. At lalong miss ko na rin ang gumising sa mga bukas na may ngiti at saya.
Ang sarap isipin na kahit pa ano ang iyong naging nakaraan, meron pa ring tatanggap sa iyo at mamahalin ka pa rin ng lubusan.
Posted at 03:58 am by hiddencreature
Permalink
Thursday, October 12, 2006
ang sarap, ang saya, ang hirap
ang sarap ng may trabaho.
dahil alam mong tuwing kinsenas, may aasahan kang pera na magagamit mo para sa mga luho mo sa buhay. may mahuhugot ka sa bulsa mo kapag nadaan ka sa mall, tapos may bigla kang gustong bilhing bagay.
lalong mas masarap ang may trabaho kung nakakaraket ka pa bukod sa regular mong trabaho. sa industriya na kinabibilangan ko, heto ang motto:
"raket lang ng raket hangga't nakatayo."
eh kasi nga naman, hiwalay na TF iyun sa buwanang suweldo mo. o di ba ang saya?
pero siyempre, bago mo matikman ang saya, eh dadaan ka muna sa hirap. stress, deadlines, sigawan, minsan may murahan, minsan may awayan. pero sa huli, ngiti rin naman ang mabibigay sa iyo nung mga hirap na iyun.
masaya ang may trabaho. sa mga panahong ganito lalo kong naa-appreciate ang pera, este, ang trabaho ko. bukod sa nabibili ko ang mga kailangan at gusto ko sa buhay, nakakaipon pa ako. at take note, ipon kung ipon. almost half of my sweldo, talagang itinatabi ko para sa savings ko.
kaya kayong mga gustong mag-resign, o di kaya naman ay nagpapaka-bum sa buhay, I suggest na maghanap na kayo ng kapalit o di kaya nama'y bagong trabaho bago kayo gumawa ng anumang desisyon. dahil sa mga panahon ngayon, mahirap ang walang pera.mahirap ang walang trabaho.
o siya, magsha-shopping muna ako.
Posted at 04:35 am by hiddencreature
Permalink
Sunday, October 08, 2006
dan's death still affects me.
together with the EP of Reporter's Notebook, I went to Funeraria Nacional last Saturday afternoon to visit his wake. dan was still being "prepared" when we arrived, so we decided to help some of the news people in preparing the food and drinks.
the whole experience was surreal. imagine preparing the snacks that will be served on your friend's funeral. we all can't believe he's gone.
a mass was held for his memory. the whole funeral room was packed with media colleagues, friends, and relatives who were mourning for his sudden death.
My friend and I decided to busy ourselves in preparing the food for the guests. I guess it was our way of paying respects to dan's memory. It was already around 1AM when we got the chance to view dan's body.
He looked so different. It was as if we were viewing another person's cold body. It was so surreal.
We stayed there until 6AM of Sunday. On my way home, I remembered the faces of Dan's closest friends in GMA. They were in pain. Mark was smiling, but it was clear that he was mourning.
I felt their pain. I felt their sadness. They lost a good friend. We all lost dan.
Hard as it is, we all have to move on.
We'll be working on a tribute for him this evening. Darn. Work tonight will be so difficult to finish.
*******************
Off=topic: I saw this movie in Christianity.com. looks interesting. do check it out.
Posted at 10:40 pm by hiddencreature
Permalink
Friday, October 06, 2006
a colleague died this morning. car accident. doctors tried to revive him, but it was already too late.
but he wasn't just an officemate to me.
he was a friend.
whenever we see each other in the office, we would joke and kid each other around. we weren't that close. we barely tell each other our personal problems, but to hear the news of his death was plainly... shocking.
I think we are of the same age. or i'm a bit older. I don't know. I can't remember. my mind is swirling right now to remember the details.
the last time we met, I prodded him to buy me some candies. he did. that was like, a week ago.
and now he's dead.
you see, he just bought a new car. and he was really proud of it... not knowing that that car would cost him his life.
damn.
dan, this is for you. we may not have the chance to really know each other, but you made my life in the office happier and lighter with your jokes and laughter.
rest in peace bro. you will always be remembered.
Posted at 06:44 pm by hiddencreature
Permalink
Wednesday, October 04, 2006
textmates na ulit kami.
(_____________"_____________)
^ ngiti ko iyan ngayon.
Posted at 07:59 am by hiddencreature
Permalink
Tuesday, October 03, 2006
sa tundo...
ang mga may kuntador, walang kuryente. ang mga naka-jumper, may kuryente. ang mga nagbabayad ng kuryente, hindi pinapansin, habang ang mga tumatakas sa responsibilidad, pinapansin.
isang oxymoron.
Posted at 05:51 am by hiddencreature
Permalink
Wednesday, September 27, 2006
ala-una ng madaling araw. matapos ang tatlong araw na walang tulog at pag-eedit ng aking uber-stressful special project with lotsa money involved, nakapahinga na ako sa wakas (ang pahinga sa akin ay magkaroon ng at least (take note, AT LEAST, limang oras na tulog).
pero bago ako matulog ngayon, binuksan ko muna at tinignan ang email ko...at ito ang bumulaga sa akin:
"new friendster request from *****."
pagkakita ko pa lang sa pangalan niya, biglang kumabog ang dibdib ko. animo'y dinala ako pabalik apat na taon na ang nakararaan sa aking buhay. naalala ko nung nagpunta kami ng sm manila, tapos nagpunta sa isang cafe pagkatapos at naki-jamming sa ilang mga kaibigan. umuwi kami ng malakas ang ulan kaya ayun basang-basa kami sa jeep na sinakyan namin noon.
naalala ko rin iyung panahong ako iyung naging "shoulder to cry on" niya nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boypren, college pa ko nun.
dali-dali kong binuksan ang aking friendster account at tinignan ang kanyang profile.
napanganga ako pagkakita ko sa picture niya. katahimikan ng ilang minuto. tanging tunog ng bentilador lang ang maririnig. tapos...
"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"
"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."
pakshet, ang ganda pa rin niya. as in. walang pinagbago. actually lalo siyang gumanda.
sinagot ko iyung hello niya sa akin sa kanyang message. nagkwento ako ng konti sa kalagayan ko ngayon at inaya ko siya magkwentuhan.
opkors, iniwan ko ang cell number ko at sabi ko sa kanya, i-text niya ako. pero heto ang catch, may postscript ako. yep, capital P, at capital S. P.S. Post Script.
sabi ko:
"ang ganda mo pa rin. pwede ba ako manligaw? ipapag-pray na kita agad, lalo pa ngayong single ang nakalagay sa profile mo."
di ko napigilan sarili ko. sobrang ganda niya ngayon eh. at ngayong matanda na ko, 'di ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.
pero teka, pano na iyung bagong tinitext ko?
ah ewan. itutulog ko na lang muna ito. dahil bago pa man muling tumibok ang puso ko, kailangan kong ipahinga ang utak ko.
"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."
"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"
lekat talaga di ba?
Posted at 10:22 am by hiddencreature
Permalink
|