KURO-KURO-KO-TO




mga kuro-kuro ng may-akda sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid, maging ito man ay pangit o maganda, mabuti o masama, mahirap o madali, masakit o masarap, at kung ano pa mang emosyon, salita, pakiramdam na bunga ng kanyang malikot na pag-iisip.


   

<< October 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Thursday, October 12, 2006
ang sarap, ang saya, ang hirap

ang sarap ng may trabaho.

dahil alam mong tuwing kinsenas, may aasahan kang pera na magagamit mo para sa mga luho mo sa buhay. may mahuhugot ka sa bulsa mo kapag nadaan ka sa mall, tapos may bigla kang gustong bilhing bagay.

lalong mas masarap ang may trabaho kung nakakaraket ka pa bukod sa regular mong trabaho. sa industriya na kinabibilangan ko, heto ang motto:

"raket lang ng raket hangga't nakatayo."

eh kasi nga naman, hiwalay na TF iyun sa buwanang suweldo mo. o di ba ang saya?

pero siyempre, bago mo matikman ang saya, eh dadaan ka muna sa hirap. stress, deadlines, sigawan, minsan may murahan, minsan may awayan. pero sa huli, ngiti rin naman ang mabibigay sa iyo nung mga hirap na iyun.

masaya ang may trabaho. sa mga panahong ganito lalo kong naa-appreciate ang pera, este, ang trabaho ko. bukod sa nabibili ko ang mga kailangan at gusto ko sa buhay, nakakaipon pa ako. at take note, ipon kung ipon. almost half of my sweldo, talagang itinatabi ko para sa savings ko.

kaya kayong mga gustong mag-resign, o di kaya naman ay nagpapaka-bum sa buhay, I suggest na maghanap na kayo ng kapalit o di kaya nama'y bagong trabaho bago kayo gumawa ng anumang desisyon. dahil sa mga panahon ngayon, mahirap ang walang pera.mahirap ang walang trabaho.

o siya, magsha-shopping muna ako.


Posted at 04:35 am by hiddencreature
Comments (2)  

Sunday, October 08, 2006
got to move on

dan's death still affects me.

together with the EP of Reporter's Notebook, I went to Funeraria Nacional last Saturday afternoon to visit his wake. dan was still being "prepared" when we arrived, so we decided to help some of the news people in preparing the food and drinks.

the whole experience was surreal. imagine preparing the snacks that will be served on your friend's funeral. we all can't believe he's gone.

a mass was held for his memory. the whole funeral room was packed with media colleagues, friends, and relatives who were mourning for his sudden death.

My friend and I decided to busy ourselves in preparing the food for the guests. I guess it was our way of paying respects to dan's memory. It was already around 1AM when we got the chance to view dan's body.

He looked so different. It was as if we were viewing another person's cold body. It was so surreal.

We stayed there until 6AM of Sunday. On my way home, I remembered the faces of Dan's closest friends in GMA. They were in pain. Mark was smiling, but it was clear that he was mourning.

I felt their pain. I felt their sadness. They lost a good friend. We all lost dan.

Hard as it is, we all have to move on.

We'll be working on a tribute for him this evening. Darn. Work tonight will be so difficult to finish.

*******************

Off=topic: I saw this movie in Christianity.com. looks interesting. do check it out.


Posted at 10:40 pm by hiddencreature
ano say nyo?  

Friday, October 06, 2006
in shock

a colleague died this morning. car accident. doctors tried to revive him, but it was already too late.

but he wasn't just an officemate to me.

he was a friend.

whenever we see each other in the office, we would joke and kid each other around. we weren't that close. we barely tell each other our personal problems, but to hear  the news of his death was plainly... shocking.

I think we are of the same age. or i'm a bit older. I don't know. I can't remember. my mind is swirling right now to remember the details.

the last time we met, I prodded him to buy me some candies. he did. that was like, a week ago.

and now he's dead.

you see, he just bought a new car. and he was really proud of it... not knowing that that car would cost him his life.

damn.

dan, this is for you. we may not have the chance to really know each other, but you made my life in the office happier and lighter with your jokes and laughter.

rest in peace bro. you will always be remembered.


Posted at 06:44 pm by hiddencreature
Comments (6)  

Wednesday, October 04, 2006
ehem, ehem

textmates na ulit kami.

 

 

 

(_____________"_____________)

 

 

 

 

^ ngiti ko iyan ngayon.


Posted at 07:59 am by hiddencreature
Comment (1)  

Tuesday, October 03, 2006
isang oxymoron

sa tundo...

ang mga may kuntador, walang kuryente. ang mga naka-jumper, may kuryente. ang mga nagbabayad ng kuryente, hindi pinapansin, habang ang mga tumatakas sa responsibilidad, pinapansin.

isang oxymoron.

 

 


Posted at 05:51 am by hiddencreature
Comments (3)  

Wednesday, September 27, 2006
flashback

ala-una ng madaling araw. matapos ang tatlong araw na walang tulog at pag-eedit ng aking uber-stressful special project with lotsa money involved, nakapahinga na ako sa wakas (ang pahinga sa akin ay magkaroon ng at least (take note, AT LEAST, limang oras na tulog).

pero bago ako matulog ngayon, binuksan ko muna at tinignan ang email ko...at ito ang bumulaga sa akin:

"new friendster request from *****."

pagkakita ko pa lang sa pangalan niya, biglang kumabog ang dibdib ko. animo'y dinala ako pabalik apat na taon na ang nakararaan sa aking buhay. naalala ko nung nagpunta kami ng sm manila, tapos nagpunta sa isang cafe pagkatapos at naki-jamming sa ilang mga kaibigan. umuwi kami ng malakas ang ulan kaya ayun basang-basa kami sa jeep na sinakyan namin noon.

naalala ko rin iyung panahong ako iyung naging "shoulder to cry on" niya nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boypren, college pa ko nun.

dali-dali kong binuksan ang aking friendster account at tinignan ang kanyang profile.

napanganga ako pagkakita ko sa picture niya. katahimikan ng ilang minuto. tanging tunog ng bentilador lang ang maririnig. tapos...

"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"

"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."

pakshet, ang ganda pa rin niya. as in. walang pinagbago. actually lalo siyang gumanda.

sinagot ko iyung hello niya sa akin sa kanyang message. nagkwento ako ng konti sa kalagayan ko ngayon at inaya ko siya magkwentuhan.

opkors, iniwan ko ang cell number ko at sabi ko sa kanya, i-text niya ako. pero heto ang catch, may postscript ako. yep, capital P, at capital S. P.S. Post Script.

sabi ko:

"ang ganda mo pa rin. pwede ba ako manligaw? ipapag-pray na kita agad, lalo pa ngayong single ang nakalagay sa profile mo."

di ko napigilan sarili ko. sobrang ganda niya ngayon eh. at ngayong matanda na ko, 'di ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.

pero teka, pano na iyung bagong tinitext ko?

ah ewan. itutulog ko na lang muna ito. dahil bago pa man muling tumibok ang puso ko, kailangan kong ipahinga ang utak ko.

"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."

"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"

lekat talaga di ba?


Posted at 10:22 am by hiddencreature
Comments (5)  

WAAAAAAAHHHHH!!!

I AM SO STRESSED, TIRED, AND IN NEED OF SLEEP.

DAMN.


Posted at 08:35 am by hiddencreature
Comments (2)  

Sunday, September 24, 2006
UPDATES ON WHAT NOT TO DO

ehem. ehem.

we talked.

for at least thirty minutes.

i joked. she laughed. i teased. she laughed some more.

oh, did i mention that i already have her cellphone number?

"smooth operator... smooooothhhh operator..."

hehe. kinikilig ang lolo nyo.


Posted at 09:34 am by hiddencreature
Comments (5)  

Friday, September 22, 2006
isa akong pans

may piktyur na ako kasama si pen medina. yep, mga poks, si pen medina.

nag-voice over siya sa ginagawa naming project. mabait, down to earth, at perfectionist. kahit na ayos na naman iyung VO niya, uulit-ulitin niya ito hanggang makuha niya iyung tamang pagbigkas nung mga salita.

gusto ko sana mag-post ng pictures dito kaso may problema iyung kuneksyon ng telepono ko sa computer. sayang. tsk tsk.

malapit na matapos iyung ginagawa namin, at mapapanood nyo siya. magpo-post ako rito ng shameless plugging ek ek tungkol dun next week. ansaya niya gawin, kaka-stress lang.

at dun nyo maririnig ang boses ni pen medina. yep mga poks, si pen medina.

idolo sa akting. galeng pa ng boses. kukunin ko siyang artista someday.

someday.

sana iyung someday next year na.


Posted at 07:44 pm by hiddencreature
Comments (4)  

Wednesday, September 20, 2006
signos

nagbabalat na naman ang ilang parte ng katawan ko. animo'y isa akong ahas na na naghuhungos ng kanyang mga kaliskis... pero di tulad ng ahas na mabilis na natatanggal ang pagbabalat... ako hindi.

dahil kapag nagsimula na akong ma-stress, ayan na ang pagbabalat. kahit ano pang cream, gamot, tabletas na iinumin ang subukan ko, pag stressed na ako, walang tumatalab sa akin.

ang pagbabalat ang pamantayan ng sobrang stress sa buhay ko. mas maraming pagbabalat, mas malaking stress. walang pagbabalat, walang stress.

mukha na akong balat.


Posted at 08:00 pm by hiddencreature
Comments (2)  

Next Page