KURO-KURO-KO-TO




mga kuro-kuro ng may-akda sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid, maging ito man ay pangit o maganda, mabuti o masama, mahirap o madali, masakit o masarap, at kung ano pa mang emosyon, salita, pakiramdam na bunga ng kanyang malikot na pag-iisip.


   

<< October 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Thursday, October 12, 2006
ang sarap, ang saya, ang hirap

ang sarap ng may trabaho.

dahil alam mong tuwing kinsenas, may aasahan kang pera na magagamit mo para sa mga luho mo sa buhay. may mahuhugot ka sa bulsa mo kapag nadaan ka sa mall, tapos may bigla kang gustong bilhing bagay.

lalong mas masarap ang may trabaho kung nakakaraket ka pa bukod sa regular mong trabaho. sa industriya na kinabibilangan ko, heto ang motto:

"raket lang ng raket hangga't nakatayo."

eh kasi nga naman, hiwalay na TF iyun sa buwanang suweldo mo. o di ba ang saya?

pero siyempre, bago mo matikman ang saya, eh dadaan ka muna sa hirap. stress, deadlines, sigawan, minsan may murahan, minsan may awayan. pero sa huli, ngiti rin naman ang mabibigay sa iyo nung mga hirap na iyun.

masaya ang may trabaho. sa mga panahong ganito lalo kong naa-appreciate ang pera, este, ang trabaho ko. bukod sa nabibili ko ang mga kailangan at gusto ko sa buhay, nakakaipon pa ako. at take note, ipon kung ipon. almost half of my sweldo, talagang itinatabi ko para sa savings ko.

kaya kayong mga gustong mag-resign, o di kaya naman ay nagpapaka-bum sa buhay, I suggest na maghanap na kayo ng kapalit o di kaya nama'y bagong trabaho bago kayo gumawa ng anumang desisyon. dahil sa mga panahon ngayon, mahirap ang walang pera.mahirap ang walang trabaho.

o siya, magsha-shopping muna ako.


Posted at 04:35 am by hiddencreature

kurokuroko
October 12, 2006   10:00 PM PDT
 
haha. actually, di ako kinsenas. once a month lang din ako. kasi monthly iyugn show ko. tapos medyo di rin defined kasi kung marami akong raket, eh di mas lumalaki ang kita. :)
little light
October 12, 2006   09:32 PM PDT
 
ako, hindi ako masaya sa ganon. ayoko nang naghihintay ng 15th and 30th for money. masyadong defined kung magkano at kelan. masyadong limiting. gusto ko ng sariling negosyo. =)
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry