KURO-KURO-KO-TO




mga kuro-kuro ng may-akda sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid, maging ito man ay pangit o maganda, mabuti o masama, mahirap o madali, masakit o masarap, at kung ano pa mang emosyon, salita, pakiramdam na bunga ng kanyang malikot na pag-iisip.


   

<< September 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Wednesday, September 27, 2006
flashback

ala-una ng madaling araw. matapos ang tatlong araw na walang tulog at pag-eedit ng aking uber-stressful special project with lotsa money involved, nakapahinga na ako sa wakas (ang pahinga sa akin ay magkaroon ng at least (take note, AT LEAST, limang oras na tulog).

pero bago ako matulog ngayon, binuksan ko muna at tinignan ang email ko...at ito ang bumulaga sa akin:

"new friendster request from *****."

pagkakita ko pa lang sa pangalan niya, biglang kumabog ang dibdib ko. animo'y dinala ako pabalik apat na taon na ang nakararaan sa aking buhay. naalala ko nung nagpunta kami ng sm manila, tapos nagpunta sa isang cafe pagkatapos at naki-jamming sa ilang mga kaibigan. umuwi kami ng malakas ang ulan kaya ayun basang-basa kami sa jeep na sinakyan namin noon.

naalala ko rin iyung panahong ako iyung naging "shoulder to cry on" niya nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boypren, college pa ko nun.

dali-dali kong binuksan ang aking friendster account at tinignan ang kanyang profile.

napanganga ako pagkakita ko sa picture niya. katahimikan ng ilang minuto. tanging tunog ng bentilador lang ang maririnig. tapos...

"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"

"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."

pakshet, ang ganda pa rin niya. as in. walang pinagbago. actually lalo siyang gumanda.

sinagot ko iyung hello niya sa akin sa kanyang message. nagkwento ako ng konti sa kalagayan ko ngayon at inaya ko siya magkwentuhan.

opkors, iniwan ko ang cell number ko at sabi ko sa kanya, i-text niya ako. pero heto ang catch, may postscript ako. yep, capital P, at capital S. P.S. Post Script.

sabi ko:

"ang ganda mo pa rin. pwede ba ako manligaw? ipapag-pray na kita agad, lalo pa ngayong single ang nakalagay sa profile mo."

di ko napigilan sarili ko. sobrang ganda niya ngayon eh. at ngayong matanda na ko, 'di ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.

pero teka, pano na iyung bagong tinitext ko?

ah ewan. itutulog ko na lang muna ito. dahil bago pa man muling tumibok ang puso ko, kailangan kong ipahinga ang utak ko.

"kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli kaaa..."

"shadam, shadam, shaadaaam! wooohhhh, wooohhh!"

lekat talaga di ba?


Posted at 10:22 am by hiddencreature

polaris
October 4, 2006   12:14 PM PDT
 
hahahahahahhaha - natawa talaga ako dito
wrigley
October 3, 2006   11:09 AM PDT
 
pag pumunta b ko sa friendster mo malalaman ko kaya kung sino ito?
leah
October 1, 2006   08:31 PM PDT
 
text ko na lang sa 'yo. =)
kurokuroko
September 30, 2006   08:12 PM PDT
 
nye.sige sino?
leah
September 30, 2006   06:38 AM PDT
 
waaaaahhhh!!!! alam ko na kung sino 'to! "shoulder to cry on" pala ha... yiheeeee! =)
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry